Thursday, November 13, 2014

4TH YEAR NA AKO!

    Hello mga nilalang na maliligaw sa blog na ito! Sna makatulong ang mga post ko sa inyo kahit konte. I will really appreciate kung may magpapasalamat, kung wala, ok lang din.


Pag-asikaso ng forms para sa OJT sa STI Las Piñas

    Sa pagkuha ng OJT, ang unang step namin ay ang pagkuha ng papel na maliit kung saan ilalagay mo ang mga impormasyon ukol sa kumpanyang nais pag-apply-an ng OJT. Pagkatapos ay pupunta ka sa kumpanya at kukuhanin ang mga required na information na kailangan ng STI para maproseso ang mga papeles na kailangan mo para makapag-umpisa ng OJT (request letter & parent waiver)
  • Request letter
    > Naglalaman ng liham kung saan nakalagay ang paghingi ng STI ng pahintulot sa kumpanya na gagamitin silang host para sa OJT ng nasabing estudyante(ikaw)
  • Parent Waiver
    >Naglalaman ng lihan kung saan fi-fillup-an ng magulang ang pagpapahintulot nya sa anak kung papayagan nya itong mag-OJT sa nasabing kumpanyang napili ng estudyante. 
pagkakuha mo ng form... shooo! umalis ka na at pumunta sa kumpanyang gusto mong pag OJT-han.
=================================================

Pag-aaply sa OJT


    November 12, 2014... Nag umpisa na ako sa aking OJT ngunit bago ko ikuwento ang aking karanasan sa pag-o-OJT, ikukwento ko ang experience namin ng kaibigan kong si PJ sa paghahanap ng OJT. Since kami ay mahilig sa mga computer games at computer graphics, nag-apply kami sa isang animation studio na nagngangalang TOP PEG. Kapag hindi nyo alam, subukan nyo na lang i-search- sa google yung website nila.

    Sa kadahilanang TOP PEG ang pinakamalapit at ni-recommend sa akin ng crush ko na dati kong schoolmate na si Clak(hindi nya tunay na pangalan) , sinubukan naming puntahan. Nagtanong kami sa kanilang page at tinanong kung ano ang mga requirements. Sinagot kami sa Facebook pagkalipas ng mga tatlong araw na mag email daw kami sa binigay nilang email address. Nag-email kami at nagtanong, sinagot kami pagkalipas ng isang araw at sinabing pumunta daw kami mga bandang 1pm sa kanilang studio at nagbigay sila ng mapa. Sa may Manuela nga lang sila at malapit sa school namin. Sa likod ng RFC... Pagkalipas ng ilang araw, naghanda kami at nagpunta sa nasabing studio.

    Kinakaabahan kaming pumunta dahil unang beses pa lang naming gagawin ang mag-apply sa OJT/Trabaho. Si PJ sobrang kabado ahahaha at ako, inisip ko na lang na TAO lang din naman yung mga kakausapin namin kaya aanhin ko ka mahiya? Hahaha, anyway, una kaming napunta sa isang building kung saan sa 3rd floor nakadestino ang studio ng TOP PEG. Nagtanong kami pero ang sabi, dun daw kami dapat sa isang studio nila na kahilera ng puwesto na may SONY na karatula at kung saan makikita rin ang caricature ng bagong kasal na hindi ko pa alam kung sino, baka mga personnel na mataas ang katungkulan sa TOP PEG. Pagkarating namin sa TOP PEG ay hinintay namin ang magiinterview/mageentertain sa amin na si Ma'am Cahterine o mas kilala bilang si "Ma'am Tharine". Kinabahan kami pagdating nya dahil English ang gamit nyang linggwahe para kausapin kami.

    Mabait naman si ma'am at natanggap naman kami... nakaktamad na magkwento ahahaha...

No comments:

Post a Comment